Over 700 Residents in Lanao Del Sur Receive Free Medical Services in Outreach Program



Mahigit na 700 residente mula sa Taraka at Tamparan town sa Lanao Del Sur ang nakatanggap ng libreng medical services mula sa Office of Bangsamoro Member of Parliament Diamila Disimban-Ramos sa pakikipagtulungan ng Ministry of Health (MOH) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. 

Ginanap ang dalawang araw na "Anogon Ko Pagtaw: Medical Outreach Program" noong Marso bilang pagdiriwang ng 2023 National Women's Month. 

Layunin nito na makatulong at magbigay ng serbisyo sa mga Bangsamoro people, lalo na sa mga vulnerable sectors na mayroong limitadong access sa medical services.

Ang medical outreach program na ginanap sa Barangay Calupaan Carandangan sa Taraka at sa Municipal Gymnasium sa Tamparan ay nagbibigay ng libreng medical consultations, kasama na rin ang mga gamot at bitamina. 

Ayon kay Ramos, ang kalusugan ay isa sa mga prayoridad ng gobyerno at naniniwala siyang ang isang malusog na tao ay isang produktibong tao. 

Kaya naman, naglunsad siya ng ganitong proyekto upang mas mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng mga mamamayan, lalo na ang mga lubos na nangangailangan.

Maliban sa medical consultations, mayroon ding medical assistive equipment na ibinigay sa mahigit na 80 na benepisyaryo tulad ng cane at wheelchair. 

Isang residente ng Taraka, si Jacquelin Alangadi, ay nagpahayag ng pasasalamat para sa programang ito dahil nakatulong ito sa kanyang kalagayan. 

Sa kabuuan, pinasalamatan din ng mga opisyal mula sa mga bayan ng Taraka at Tamparan ang nagtulungan upang maisakatuparan ang programang ito.

Previous Post Next Post