DORIS BIGORNIA BALAK KASUHAN NI [MMDA] SPOKESPERSON CELINE PIALAGO

Balak tuluyan ng kaso ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago si Kapamilya reporter Doris Bigornia dahil sa naging report nito sa ‘TV Patrol’.

Ito’y matapos sabihin ni Doris sa kanyang report na kaya tumukod ang trapiko sa magkabilang bahagi ng EDSA dahil sa pagkalito tungkol sa pagbubukas ng U-turn slot sa Darrio Bridge.

Sa nasabing report, nakalagay ang screenshot sa Viber group ng MMDA kung saan sinabi ni Pialao na bukas ang naturang U-turn slot pati ang sa harapan ng Quezon City Academy.

Ngunit paliwanag ni Pialago, putol ang pinalabas na mensahe ng ‘TV Patrol’ at kanyang sinabi sa Viber group na tanging emergency vehicle lang ang papayagan sa Darrio Bridge.

“Kanina sa report mo sa TV Patrol. Ako ang nagsabe na bukas na ang darrio bridge u turn, yes! pero hindi mo nilabas sa TV ang buong laman ng GC, nakalagay bukas yun sa emegency vehicles,” lahad ni Pialago.

Dahil dito’y nagbanta ng kaso si Pialago laban sa beteranang reporter.

https://www.facebook.com/mmdaspokesperson/posts/3765196513532434

Matatandaan na nagkaroon na ng girian ang dalawa noong 2019 matapos ireklamo ni Pialago si Bigornia.

Wala pang pahayag ang ABS-CBN at si Bigornia sa mga patama ni Pialago.

Previous Post Next Post